Sinabi ni Bureau of Corrections Director Dionisio Santiago, hindi na muna pinapayagan ng pamunuan ng NBP ang mga asawa at mga anak ng mga inmate na mag-stay-in sa loob ng nabanggit na bilangguan at pinulong na rin nila ang lahat ng gang leader at mga mayores sa naturang kulungan para sa naturang bagong kautusan.
Tiniyak naman ng mga gang leader at mga mayores na tutulong sila na resolbahan ang paglaganap ng droga sa loob ng bilangguan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)