Pork barrel ng solon, pang-reward vs pushers
June 27, 2003 | 12:00am
Ibibigay bilang reward money ng isang kongresista ang 10 porsiyento ng kanyang P20 milyong pork barrel sa pinalakas na kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na droga
Sinabi ni Laguna Rep. Danton Bueser, vice chairman ng House comittee on justice, mas magiging epektibo ang kampanya kung magbubuo ng isang reward system ang gobyerno para ibigay sa mga tipsters.
Inamin ng solon na kailangang mahimok ng gobyerno ang taumbayan na suportahan ang kampanyang ito sa pamamagitan ng reward money pero idinagdag nito na dapat magkaroon ng panuntunan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa reward system upang masigurong sa mga tipsters talaga mapupunta ang salapi.
Sinabi pa ni Rep. Bueser na kung maglalaan anya ng tig-P2 milyon ang bawat kongresista sa kanila mismong distrito bilang reward money ay mismong mga constituents ng mga ito ang magsusumbong kung sinu-sino ang mga drug lord at pushers sa kanilang lugar. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest