^

Bansa

TB No.1 killer pa rin sa Pilipinas, 75 katao namamatay araw-araw

-
Walong taon mula nang ipatupad ng pamahalan ang paraang paggagamot sa tuberculosis (TB)na inirekomenda ng World Health Organizations, mataas pa rin ag bilang ng mga Pilipinong nagtataglay ng nasabing sakit at tinatayang may 75 katao ang namamatay sa TB araw-araw sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health, ikaapat ang TB sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino at ikaanim sa mga pangunahing sanhi ng sakit sa bansa. Ikapito rin ang Pilipinas sa buong mundo sa dami ng populasyong may TB at ikalawa naman sa Western Pacific region ng WHO.

Noong l996, ipinatupad ng DOH ang Directly Observed Treatment Short Course chemotherapy o DOTS para sa mga positibong may TB sa ilalim ng National Tuberculosis Program ng pamahalaan. Sa DOTS, kailangan ang partisipasyon ng isang ‘traetment partner" upang i-monitor ang araw-araw na pag-inom ng gamot ng pasyente at kung ano ang epekto ng gamot sa katawan nito.

Ayon sa Reach Out Foundation International, sa kasalukuyan ang DOTS ay makikita sa mga health centers sa 66 na probinsya at sa ilang pribadong kilinika. Mayroon ding 3,000 TB diagnostic facilities sa buong bansa.

Naging matagumpay ang paggamot sa TB dahil sa DOTS ngunit nananatiling mataas ang bilang ng may TB sa bansa. Bukod sa 75 na namamatay sa TB araw-araw, tinatayang 200 ang positibong may TB sa bawat 100,000 Pilipino.

Mayroon ding 250, 000 bagong kaso ng TB ang naiuulat bawat taon, at dalawang-katlo ng mga may sakit nito ang hindi nagpapakonsulta sa doktor. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTLY OBSERVED TREATMENT SHORT COURSE

ELLEN FERNANDO

MAYROON

NATIONAL TUBERCULOSIS PROGRAM

PILIPINAS

PILIPINO

REACH OUT FOUNDATION INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with