^

Bansa

Magsaysay hihirit for President

-
Iginiit kahapon ni Senator Ramon Magsaysay Jr. na ang tanging magpapa-atras lamang sa kanya sa planong pagtakbo bilang pangulo sa 2004 elections ay kapag nagdesisyon si Pangulong Arroyo na kumandidato.

Sinabi ni Sen. Magsaysay, chairman ng senate committees on national defense and security at agriculture and food, na handa siyang magsakripisyo sa kanyang plano na tumakbong pangulo kung si Pangulong Arroyo ay muling tatakbo.

Wika pa ni Magsaysay, mayroong hanggang katapusan ng Hulyo ang Pangulo upang magdesisyon kung kakandidato ba ito sa darating na halalan o mananatili sa kanyang December 30 promise na hindi na siya tatakbo.

Pero kung hindi na talaga tatakbo si GMA ay nakahanda siyang maging standard bearer ng partido upang maging "healing leader" ng bansa.

Aniya, bilang isang mechanical engineer ay handa niyang "kumpunihin" ang anumang sira o diperensiya sa gobyerno sa sandaling mailuklok bilang presidente tulad ng kanyang amang si dating Pangulong Ramon Magsaysay Sr. (Ulat Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

HULYO

IGINIIT

MAGSAYSAY

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG RAMON MAGSAYSAY SR.

PERO

SENATOR RAMON MAGSAYSAY JR.

SINABI

ULAT RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with