Pres. GMA pinapaharap sa Sandiganbayan
June 11, 2003 | 12:00am
Pormal na hiniling kahapon ng kampo ni dating Pangulong Estrada sa Sandiganbayan Special Division na ipatawag at paharapin sa korte sina Pangulong Arroyo, Chief Justice Hilario Davide at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
Nakasaad sa inihaing mosyon ni Atty. Allan Paguia, bagong abogado ni Estrada na dapat ipatawag ng korte sina Arroyo, Davide, Sen. Aquilino Pimentel at tatlong mahistrado ng Supreme Court na sina Justices Artemio Panganiban, Antonio Carpio at Renato Corona kaugnay sa isinampa nilang omnibus motion at mabigyan ng linaw ang diumanoy naganap na sabwatan sa pagpapatalsik kay Estrada.
Nakasaad sa mosyon na nananatili pa ring presidente ng bansa si Estrada at hindi ito maaaring litisin ng korte dahil sa taglay nitong "immunity."
Nais ng kampo ni Estrada na kumpirmahin ang nilalaman ng librong "Reforming the Judiciary" na isinulat ni Panganiban.
Magugunitang ang impeachment complaint laban sa mga justices na isinampa ng kampo ni Estrada laban sa SC justices ay ibinase rin sa nasabing libro.
Nakasaad umano sa libro ang mga kaganapan na naging dahilan ng EDSA Dos kung saan pinaniniwalaang nagkaroon ng sabwatan para maalis sa puwesto si Estrada.
Sinabi naman ni Renato Bocar, spokesman ng Sandiganbayan na walang batas na maaaring magbawal sa kanila para ipatawag ang presidente ng bansa at mga mahistrado upang makuha ang kanilang testimonya.
Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi maaaring obligahin na humarap sa korte si Pangulong Arroyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, mayroong jurisprudence na hindi maaaring i-subpoena ang isang nakaupong pangulo ng bansa dahil ito ay mayroong immunity.
Sinabi ni Bunye na malinaw na isang panggugulo lamang ang naturang hakbang upang iantala ang kasong plunder na kinakaharap ni Erap.
Nakatakdang magpalabas ng legal opinion ang Malacañang kaugnay na rin ng pinal na desisyon ng Korte Suprema sa legalidad ng panunungkulan ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Malou Escudero/Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest