^

Bansa

Pinay entertainers sa South Korea bawal na

-
Ipinagbabawal na ng pamahalaang South Korea ang pagpunta o pagtatrabaho ng mga Filipina entertainers sa nasabing bansa dahil sa mga naitalang pang-aabuso sa mga ito.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman asst. secretary Victoriano Lecaros, inimpormahan ang RP Embassy sa Seoul kahapon ng Immigration Bureau ng Ministry of Justice ng Korea na hindi na mag-iisyu pa ang mga ito ng visa entertainment sa mga foreign female workers.

Ayon sa embahada, simula nitong Hunyo ay hindi na nagbibigay ng E-6 visa o entertainment visa sa mga female dancers na magtatrabaho sa mga bar at ibang entertainment facilities sa South Korea.

Nagbunsod ang kanilang desisyon na itigil ang pag-iisyu ng entertainment visa sa mga foreign dancers dahil sa patuloy na dinaranas na pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga ito.

Sinabi pa na karamihan sa mga Pinay at ibang foreign bar girls ay naging biktima ng human rights violation gaya ng involuntary confinement, witholding of wages, assault at prostitution. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

ELLEN FERNANDO

FILIPINA

FOREIGN AFFAIRS

HUNYO

IMMIGRATION BUREAU

IPINAGBABAWAL

MINISTRY OF JUSTICE

SOUTH KOREA

VICTORIANO LECAROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with