Pinay caregiver minomonitor sa SARS
June 6, 2003 | 12:00am
Isang 27-anyos na Pinay caregiver mula sa Taiwan ang inoobserbahan ngayon sa Northern Mindanao dahil sa hinalang mayroon itong sintomas ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).
Kinumpirma kahapon ni Dra. Consorcia Lim-Quizon, hepe ng National Epidemiology Center ng Dept of Health ang panibagong imported SARS suspect na may inisyal na M.O. na ipinasok kahapon sa Northern Mindanao Medical Center.
Ayon kay Quizon, si M.O. ay nakaranas ng mataas na lagnat makaraang dumating ito sa bansa noong Mayo 30 mula sa Taiwan. Sumasailalim ito ngayon sa 14 araw na self-quarantine bago tuluyang matukoy kung positibo nga ito sa killer pneumonia.
Napag-alaman din na si M.O. ay tinanggihan ng isang ospital sa nasabing lalawigan dahil sa takot na i-admit ito sa hinalang mayroong SARS.
Dahil dito, sinabi ni DOH Sec. Manuel Dayrit na kakasuhan sa DILG ang ospital na hindi binanggit ang pangalan.
Nagsagawa na rin ngayon ang DOH ng contact tracing sa mga naging contacts ni M.O. upang malaman kung nahawahan sila ng sakit nito. Gayunman wala pang natutukoy na kamag-anak o kaibigan na nalapitan ng nasabing pasyente. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest