^

Bansa

GMA pipiliting tumakbo sa 2004

-
Lumalakas ang panawagan kay Pangulong Arroyo na tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2004.

Ayaw magpaawat ng mga kapartido ng Pangulo sa Lakas-NUCD sa pagkumbinsi na kumandidato ito at ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino, gagamitin nila ang mga political kingpin upang himukin si Pangulong Arroyo na baguhin ang desisyon nito. Kabilang sa mga kilalang political kingpin sa bansa na gagamitin ng Lakas-NUCD sina dating Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos, Senate President Franklin Drilon at House Speaker Jose de Venecia.

Hihikayatin rin ng Simbahang Katoliko na kumandidato si Ginang Arroyo dahil malakas umano ang paniniwala ni Jaime Cardinal Sin na naging maganda naman at maayos ang naging pamamalakad ni Arroyo mula ng maupong pangulo noong 2001 at hanggang sa kasalukuyan.

Isa ring signature campaign ang inilunsad kahapon sa Kamara at 70 mambabatas na ang lumagda sa manipesto na nananawagan kay Pangulong Arroyo na irekonsidera ang kanyang naunang desisyon na huwag tumakbo sa 2004. (Ulat nina Ely Saludar/Malou Escudero/Jhay Mejias)

ELY SALUDAR

FIDEL RAMOS

GINANG ARROYO

HOUSE SPEAKER JOSE

JAIME CARDINAL SIN

JHAY MEJIAS

LAKAS

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG CORY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with