Humigit-kumulang sa 100 pasyente mula sa ibat ibang barangay sa Bacolod City ang mga unang nakinabang sa libreng operasyon na isinagawa sa Western Visayas Regional Hospital (Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital).
Kabilang sa mga pasyenteng natulungan sina Juanita Garman, 78; Rodolfo Labataon, 67; Romeo Lobaton, 76; Conchita Lobaton, 74; Orencio Lorenzo, 66; Fe Santiago, 66; Deonedia Abela, 72; Erlinda Orencio, 66; Rodario Sabio, 79; Federico Castro, 70; Dominador Consorte, 77; Cornelio Porras Jr., 66; Leonisa Landa, 73 at Vic Vic Himongala, 18, pinakabata.
Bukod sa libreng operasyon, ang mga pasyente ay pinagkalooban din ng libreng ocular lenses, gamot at check-up.
Ang operasyon sa katarata sa pribadong hospital ay nagkakahalaga ng mula P15,000 hanggang P30,000 bawat mata.
Lumuluhang nagpasalamat si Garman kay Pangulong Arroyo at kay First Gentleman sapagkat muli na naman niyang makikita ang kagandahan ng paligid dahil sa libreng operasyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)