Ayon kay BAI Chief Pedro Molina, kailangang i-ban ang importasyon ng naturang mga karne mula Canada bunsod na rin ng mad cow disease na taglay ng mga nabanggit na hayop sa naturang bansa.
Pinayuhan na rin ni Molina ang mga tauhan na bantayang mabuti ang posibleng pagpuslit ng naturang mga karne sa mga entry points sa bansa para matiyak ang kaligtasan ng mga meat lovers.
May nakaamba rin anyang parusa sa sinumang importers na mag-aangkat ng mga banned items mula sa Canada.
Samantala, nilinaw naman ng Northern Luzon Stock Raisers na kahit na may ban sa importasyon ng tupa, baka at kambing mula Canada ay hindi kukulangin ang Pilipinas dahil sobra ang suplay ng lokal na industriya sa nabanggit na mga meat products. (Ulat ni Angie dela Cruz)