Nagtungo ang Pangulo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makiramay sa mga pamilya nina Rogelio Pababero, Serafin Hernandez at Getulio Templo at ipagkaloob ang benepisyo ng mga ito.
Sinabi rin ng Pangulo na ang mga anak ng namatay na OFWs ay puwedeng bigyan ng scholarship at livelihood training.
Siniguro naman ni OWWA chief Virgilio Angelo sa mga pamilya ng mga nasawi na maiuuwi ang mga labi ng mga biktima sa mga susunod na linggo dahil kasalukuyang isinasailalim sa proseso ang repatriation ng mga ito para madala na sa kani-kanilang mga lalawigan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Overseas Labor Officials sa employers ng tatlong biktima para mapadali ang paglalabas ng kanilang monetary claims kabilang ang unpaid salaries ng mga ito at iba pang benepisyong dapat nilang matanggap. (Ulat nina Lilia Tolentino/Jhay Mejias)