^

Bansa

Strunk humirit sa Korte

-
Humirit ng piyansa si Rod Lawrence Strunk, ang pangunahing suspek sa pagpaslang ng kanyang asawang aktres na si Nida Blanca, sa dahilang hindi raw niya makakayanan ang mabilanggo dahil sa kanyang hypertension at diabetes.

Si Strunk na kasalukuyang nakapiit sa California County Jail ay humarap kahapon sa Federal Court sa Sacramento, California sa unang pagkakataon matapos maaresto noong Mayo 13.

Mananatiling nakakalaboso si Strunk hanggang Mayo 21 habang dinidinig ang kanyang apela para makapagpiyansa.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Justice Secretary Simeon Datumanong na hindi papayag ang DOJ na makalabas pa ng piitan si Strunk.

Ang US Justice Department ang kakatawan sa Pilipinas upang tutulan ito.
Posibleng makalusot sa bitay si Strunk
Ipinaliwanag ni Justice Usec. for International Affairs Merceditas Gutierrez na batay sa RP-US Extradition Law, maaari lamang maisulong ang extradition sa isang akusado na nahaharap sa parusang capital punishment kung maibibigay ng requesting country ang katibayan na pababain nito ang sentensiya ng akusado sa oras na pabalikin ito sa nasabing bansa.

Binigyang-diin ni Gutierrez na hindi paglabag sa separation of powers ang executive at judiciary sa sandaling garantiyahan ng gobyerno na hindi mabibitay si Strunk para maisulong ang pagbabalik sa bansa.

Nilinaw nito na pinagtibay ng Kamara at Senado ang nasabing probisyon ng extradition law kaya walang nagiging paglabag kung agarang i-commute ni Pangulong Arroyo ang sentensiya ni Strunk sa mas mababa pang hatol para makabalik ng bansa.

Samantala, pinagtutuunang-pansin ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasaayos ng mga ebidensiya at testimonya ng mga saksi sa Nida slay case.

Sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na kumpiyansa sila ngayon na tuluyang magkakaroon na ng linaw at katarungan ang sinapit ng beteranang aktres dahil sa isang breakthrough ang pagkakadakip kay Strunk.

Hindi lamang umano pabor sa prosekusyon ang nangyari dahil pabor din ito sa panig ni Strunk upang mabigyan siya ng pagkakataon na mapatunayan na hindi talaga siya ang may pakana ng pagpatay sa kanyang asawa.

Sigurado naman umano na mae-extradite pabalik ng Pilipinas si Strunk dahil malinaw naman ang extradition treaty sa pagitan ng Amerika at Pilipinas tulad ng naganap kay Manila Rep. Mark Jimenez.

Kinakailangan lamang umano na mabuo ang lahat ng dokumento sa loob ng ibinigay na 60-araw na taning. Mas madali na umanong maihanda ang mga ebidensiya dahil nasa pangangalaga naman ito ng NBI. Kailangan muna ay maisaayos ang pagtatranslate sa Ingles ng mga testimonya ng mga saksi na kinuha sa wikang Tagalog na isusumite sa US Department of Justice. (Ulat nina Ellen Fernando at Danilo Garcia)

CALIFORNIA COUNTY JAIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELLEN FERNANDO

EXTRADITION LAW

FEDERAL COURT

INTERNATIONAL AFFAIRS MERCEDITAS GUTIERREZ

PILIPINAS

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with