Mula sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ay dinala sa San Lazaro Crematorium ang bangkay ni Mauricio at sinunog dakong alas-2:45 ng hapon. Binendisyunan muna ng pari ang labi bago dinala sa San Lazaro.
Walo katao mula sa RITM ang sumama na naka-ful protection lahat habang wala ni isang kapamilya ni Mauricio ang dumalo.
Sakay sa isang ambulansiya ang selyadong kabaong kung saan nagdulot ito ng panic at nagtakbuhan ang mga security guards ng San Lazaro pagdating ng kabaong.
Ayon sa San Lazaro, pinagbigyan lamang ang pagsunog sa bangkay ni Mauricio dahil under repair ang crematorium. Matapos ito ay hindi na tatanggap pa ang crematorium ng pagsusunog ng labi.
Tumagal ng mahigit 4-oras ang proseso at walang pinayagang makalapit dahil medyo delikado ang usok.
Samantala, 7 pang kaso ng SARS sa bansa ang kinumpirma kahapon ng Department of Health na kinabibilangan ng 3 kamag-anak ng mag-amang Mauricio at Adela Catalon, 3 health workers at isang imported case. (Ulat ni Jhay Mejias)