Sa 76 pahinang resolusyon, idineklara na null and void ang naturang kontrata base na rin sa botong 10-3-1 na nagbabasura sa inihaing petisyon ng PIATCO.
Nakasaad sa petisyon ng PIATCO na dapat matuloy ang kanilang nasimulang kontrata sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng NAIA Terminal 3 dahilan na rin sa pagkakaroon ng direct guarantee.
Nakasaad pa sa resolusyon ng SC na binalewala lang ng mga ito ang 1997 Concession Agreement, Amended and Restated Concession Agreement dahil sa pagkakaroon ng mga favorable provision sa PIATCO contract kung saan ay nabawasan ng kontrol ang gobyerno.
Bukod pa dito, may probisyon din sa nasabing kontrata na nagbibigay ng direct control sa PIATCO partikular na sa pangongokekta sa non-public utility revenue.
"1997 Concession Agreement, clearly gives PIATCO more favorable terms than what was available to other bidders at the time the contract was bidded out," ayon sa desisyon ng SC. (Ulat ni Gemma Amargo)