^

Bansa

PNP isasabak vs SARS pero walang hazard pay

-
Nakatakdang isabak laban sa kinatatakutang severe acute respiratory syndrome ang mga tauhan ng PNP upang maiwasan ang pagkalat nito ngunit hindi nakatitiyak ang mga pulis na magkakaroon sila ng hazard pay para sa serbisyo.

Sinabi kahapon ni PNP spokesman Sr. Supt. Leopoldo Bataoil na kasalukuyan pa nilang inaasikaso kung mabibigyan ng hazard pay ang mga pulis na masasabak sa misyon para tumulong sa Department of Health laban sa SARS.

Nagpalabas kahapon si PNP chief, Director General Hermogenes Ebdane ng four-point guidelines para sundin ng mga pulis na matatalaga sa mga lugar na may hinihinalang SARS.

Tutulong ang mga pulis sa pagbibigay ng seguridad sa mga screening area, pagkontrol sa galaw ng mga tao sa mga lugar na may quarantine at monitoring sa mga ito. Ang mga pulis rin ang magsasagawa ng background check sa mga taong nagkaroon ng close contact sa loob ng tatlong araw ng mga hinihinalang SARS patient.

Bibigyan naman ng PNP ng sapat na proteksiyon ang mga pulis tulad ng mga dental masks, goggles, bitamina at titiyakin na susunod ang mga ito sa health advisory ng DOH.

Sa kasalukuyan, nananatiling 12 katao ang hinihinalang mayroong probable SARS sa bansa kasama na dito ang doktora at nurse na nag-asikaso kay Mauricio Catalon. Wala nang lagnat ang doktora maging ang lalaking nurse. Gayunman, kailangan pa rin kumpletuhin ng mga ito ang 10 araw na incubation at 14-day quarantine period upang masigurong hindi nahawaan.

Mayroong kabuuang 391 katao ang namamatay dahil sa SARS at 5,865 ang mayroon nito mula sa 27 bansa, kasama na dito ang panibagong pagtala ng WHO sa Poland na mayroon nang local transmission sa 3 katao. (Ulat ni Danilo Garcia/Jhay Mejias)

BIBIGYAN

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

GAYUNMAN

JHAY MEJIAS

LEOPOLDO BATAOIL

MAURICIO CATALON

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with