SARS galing sa wild animals?
May 1, 2003 | 12:00am
Hinihinalang nagmula sa mga "exotic foods" at wild animals ang nakamamatay na sakit na SARS.
Masusing tinitingnan ngayon ng mga dalubhasa sa China katulong ang mga doktor ng World Health Organization (WHO) ang background ng lahat ng mga sakit na kumalat sa China at ibang bansa partikular noong 1918 World War 1 na kung saan isang epidemya ang lumaganap at tinawag na "Spanish flu" na kumitil ng libong buhay.
Sinasabing maaaring umuulit lamang ngayon ang nasabing epidemya na mula sa mga wild animals na hinuli at kinain.
Ayon sa dalubhasa ng China, ang mga wild animals kagaya ng wild boar (baboy ramo), wild deer (usa) at iba pang hayop na matatagpuan sa gubat ay inaalagaan at makaraan ang ilang araw ay niluluto upang ibenta at kainin na lingid sa kaalaman ng mga hunters ay nagtataglay pala ng sakit ang mga ito.
Maging ang naganap noong 1995 sa China na kung ilang libong lokal na manok ang ipinagbawal ibenta, pinatay at sinunog dahil nakitaan ng mga dalubhasa na nagtataglay ng sakit na ito na nakuha naman sa ibang wild animals na nakasamang inalagaan ng mga may-ari.
Ngunit natuklasan ang uri ng sakit at nakagawa ng paraan upang masugpo ang tinatawag na "birds flu."
Sa ngayon, muling sinusuri ang mga manok sa Guandong, China na maaaring pinagmulan ng killer pneumonia.
Kasabay nito inalis na rin sa travel ban ng WHO ang Toronto, Canada makaraang hindi na makapagtala ito ng panibagong kaso ng SARS victim sa loob ng 20 araw. May 21 katao ang namatay dito dahil sa SARS. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended