^

Bansa

NFA nagdala ng bigas sa Alcala

-
Iniutos ngayon ni National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Yap ang paglalabas ng 100 sako ng bigas para sa mga residente ng Alcala, Pangasinan na isinailalim sa qurantine ng Department of Health bunsod ng pagkamatay ni Adela Catalon sa SARS.

Binilinan din ni Yap ang mga field managers ng NFA na maging alerto at mabilis na rumesponde sa mga emergency situations sa kani-kanilang mga lugar upang maseguro ang supply ng pagkain sa lahat ng oras.

"Sapagkat tayo ang tagapatnubay ng pinakamahalagang pagkain ng ating mga kababayan, dapat nating matiyak ang supply ng bigas sa lahat ng oras," pahayag ni Yap.

Ipinatutupad ng NFA ang Disaster Preparedness Program kung saan ang mga ahensiya tulad ng DSWD at Phil. National Red Cross at mga local na pamahalaan ay makakukuha ng bigas ng NFA para sa relief sa panahon ng kalamidad at emergencies.

Ang pagpapadala ng bigas sa Pangasinan ay isinagawa sa tulong ni Cong. Mark Cojuangco.

Iniulat ni Yap na ang NFA sa Region I ay may imbentaryong 660,360 sako na tatagal sa 16 araw. Pinag-iibayo rin ng local na opisina ng NFA ang pagbili ng palay upang madagdagan ang kanilang imbentaryo.

vuukle comment

ADELA CATALON

ADMINISTRATOR ARTHUR YAP

DEPARTMENT OF HEALTH

DISASTER PREPAREDNESS PROGRAM

MARK COJUANGCO

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NATIONAL RED CROSS

PANGASINAN

REGION I

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with