Ama ng SARS victim patay din!
April 23, 2003 | 12:00am
Namatay na rin kahapon ang ama ng nursing attendant na si Adela Catalon, ang kauna-unahang probable death case ng severe acute respiratory syndrome (SARS) sa Pilipinas.
Binawian ng buhay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) si Mauricio Catalon dakong alas-5:30 ng madaling-araw habang nasa ilalim ng quarantine procedure dahil sa sakit nitong "intra-abdominal tumor."
Dati nang may sakit si Mauricio pero SARS ang hinihinalang ikinamatay nito dahil na-expose ito kay Adela, 46, na namatay nito lang Abril 14. Si Mauricio ay kabilang sa apat kataong naka-quarantine sa RITM sa Alabang matapos magkaroon ng direct contact kay Adela. Hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa rin lagnat ang bayaw, anak at pamangkin ni Adelina.
Pero iginiit ni Department of Health (DOH) Secretary Manuel Dayrit na hindi dahil sa SARS ang ikinamatay ni Mauricio. Makukumpirma lamang na positibo ito sa sakit na SARS kapag naipadala na ang blood samples nito sa Japan upang doon masuri.
Kasalukuyang naka-freezer ang bangkay ni Mauricio at mananatili sa RITM habang hinihintay pa ang resulta ng eksaminasyon sa tatlo pang kamag-anak nito na naka-quarantine. Dadalhin ang bangkay sa Alcala, Pangasinan sa Abril 26 na ilalagay sa selyadong kabaong.
Pinayuhan ni Dayrit ang mga kamag-anak ni Mauricio na huwag ng magsagawa pa ng lamay upang hindi magbuo ng mga tao at makaiwas na magkaroon ng kontak sa sinuman.
Hanggang ngayon ay mananatiling naka-home quarantine ang 54 kamag-anakan ni Adelina na nagkaroon ng close contact sa kanya habang umaabot sa 200 katao naman na hinihinalang mayroong casual contact sa nasabing balikbayan ang naabisuhan na ng DOH.
Kasabay nito, isang equipment para sa SARS ang ipinakita ni Dayrit para ma-detect kung may mataas na lagnat ang isang tao. Ang thermo strip na nabili sa halagang $1 ay isinusuot sa ulo ng isang pasyente at sa pamamagitan ng mga linya nito makikita ang temperatura ng lagnat.
Sa kabila nito, nananatiling SARS-free pa rin ang Pilipinas ayon kay Dayrit dahil walang local transmission. Nakuha ni Adelina ang sakit sa ina ng kanyang room mate sa Toronto, Canada na positibo sa SARS. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended