^

Bansa

Erap pinayagang mag-party sa Veterans

-
Pinagbigyan kahapon ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ni dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada na makapagdaos ng isang birthday party ang kanilang pamilya sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) para sa ika-65 na kaarawan ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada.

Ayon kay Sandiganbayan Special Division acting chairman Edilberto Sandoval, hindi naghain ng pagtutol ang korte sa kahilingan ni Jinggoy dahil maituturing na isang family gathering ang gagawin ng mga Estrada.

Sa isang sulat ni Jinggoy noong Abril 14, 2003, hiniling nito na payagan ng korte ang kanyang pamilya na maidaos ang birthday ng kanyang ama sa loob ng VMMC sa Abril 19, Sabado de Gloria.

Ito ang ikalawang beses na magdiriwang ng kanyang kaarawan si Estrada sa loob ng ospital mula ng siya ay makulong.

Para na rin sa seguridad ng dating pangulo, limitado ang mga bisita sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan nito.

Pinadalhan na rin ng notice ng korte sina PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane at Sandiganbayan sheriff Edgardo Urieta upang ipaalam ang isasagawang party at mapaigting ang seguridad sa Veterans. (Ulat ni Malou Escudero)

ABRIL

EDGARDO URIETA

EDILBERTO SANDOVAL

HERMOGENES EBDANE

JINGGOY

MALOU ESCUDERO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with