^

Bansa

Flavier aatras sa pagka-presidential race

-
Nakahanda si Senator Juan Flavier na umatras sa presidential race upang pagbigyan ang kandidatura ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr.

Ito ang lantarang sinabi ni Flavier nang hingan ng reaksiyon kung nakahanda siyang isakripisyo ang ambisyon na maging presidente ng bansa kung may kaalyado siyang tatakbo sa nasabing posisyon.

Gayunman, sinabi nito na kung darating ang araw na mataas ang kanyang popularity rating, may sapat siyang pondo para tumakbo sa eleksiyon, may malakas na pangangatawan at kung pipilitin siya ng People Power Coalition (PPC) na maging standard bearer ay pipiliin na lamang niyang ipagpatuloy ang pagtakbo sa halalan.

Ngayong panahon ng Semana Santa ay taimtim umano niyang pag-iisipan kung tatakbo pa o hindi.

Bukod kay Magsaysay, ang iba pang makakalaban ni Flavier upang maging presidential candidate ng PPC ay sina Senate President Franklin Drilon, Vice President Teofisto Guingona at Sen. Loren Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)

BUKOD

DRILON

FLAVIER

LOREN LEGARDA

PEOPLE POWER COALITION

RAMON MAGSAYSAY

RUDY ANDAL

SEMANA SANTA

SENATOR JUAN FLAVIER

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with