^

Bansa

Mga Canadian doktor gagawa ng vaccine vs SARS

-
Dahil sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa sa Canada, makakatuklas na ang mga ito ng vaccine na pipigil sa pagkalat ng virus na lumilikha ng Severe Accute Respiratory Syndrome (SARS).

Ayon sa Wolrd Health Organization (WHO), natukoy na ng mga dalubhasa ng Canada ang genetic code ng SARS makaraan ang masusing pag-aaral mula sa mga nakuhang samples o ispesimen ng mga naging biktima ng nasabing nakamamatay na sakit.

Ang mga samples ay mula sa 12 laboratories na nakuha sa iba’t ibang parte ng mundo na mayroong outbreak ng SARS.

Sinabi ng WHO, ang pagkatuklas sa Urbani virus na dahilan ng SARS ay mas matindi pa sa mga viruses na corona at paramyxo.

Samantala, sinabi ni DOH Sec. Manuel Dayrit na kinokonsidera pa rin ng WHO na ligtas sa SARS ang Pilipinas.

Nabatid sa findings ng isang 64-anyos na dayuhang pinagsususpetsahan na may SARS na nakapasok sa bansa na pneumonia ang sakit nito base sa resulta ng kanyang x-ray subalit wala naman siyang respiratory difficulties.

Ipinayo na manatili muna sa ospital ang dayuhan habang inoobserhan ang kanyang kalagayan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin na kinukumbinsi ng DOH si Ilocos Norte Gov. Bong-Bong Marcos na i-urong nito ang naging desisyon na suspensyon sa mga biyahe ng Laoag International Airlines (LIA) dahil sa pangambang mapasukan ng pasaherong may SARS ang nasabing lalawigan.

Ayon kay Dr. Consorcia Lim-Quizon, OIC ng National Epidemiologist Center ng DOH , kinukumbinsi pa rin nila si Marcos upang iatras ang kautusan nito na hindi papasukin sa LIA ang mga eroplanong lalapag mula China, Hong Kong, Singapore, Vietnam, Indonesia, Thailand at Malaysia na maipatutupad ngayong araw. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

BONG-BONG MARCOS

DR. CONSORCIA LIM-QUIZON

HONG KONG

ILOCOS NORTE GOV

JHAY MEJIAS

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINES

MANUEL DAYRIT

NATIONAL EPIDEMIOLOGIST CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with