Batay sa World Health Organization (WHO), tinawag na Urbani virus ang taglay na mikrobyo ng killer pneumonia bilang pagkilala kay Dr. Carlo Urbani, kauna-unahang doktor na nakadiskubre ng nasabing sakit.
Ang virus na nagmula sa corona virus na nagiging sanhi ng lagnat, ubo at sipon, ay natukoy 30 araw bago masawi ang isang pasyenteng mayroon nito. Nakakuha sila ng samples mula sa namatay na pasyente.
Si Urbani, 46, ay isang eksperto sa communicable disease na nakabase sa Hanoi, Vietnam bilang public health program ng WHO sa Cambodia, Laos at Vietnam. Nasawi ito noong Marso 28, 2003 makaraang mahawa sa isang pasyente na mayroong SARS na namatay din sa naturang sakit.
Dahil sa pagkatuklas ng virus ng SARS, mapapadali na ang pagtukoy sa gamot na makakasugpo sa naturang sakit. (Ulat ni Jhay Mejias)