Ayon sa BBC News, binagsakan ng bomba ng isang US plane mula sa 10-12 talampakang taas ang US special forces at Kurds habang magkakasamang binabaybay ng dalawang grupo ang Northern Iraq at katabi naman ng sasakyan ng BBC World Affairs Editor na si Jhon Simpson na kabilang sa convoy.
Bagaman sugatan si Simpson, patuloy na ibinalita nito na isang hinihinalang politikong Kurdish ang kabilang sa kritikal na sugatan o posibleng namatay sa insidente.
Sinabi ng US-led coalition na binomba nila ang nasabing lugar dahil target ng mga ito ang bahay ng pinsan ni Iraqi Pres. Saddam Hussein at top aide nito na si Ali Hassan al-Majid, kilala bilang "Chemical Ali."
Samantala, may 17 sibilyang Iraqis kabilang ang siyam na bata ang iniulat na namang napatay sa isinagagawang air strike ng US warplanes sa katimugang bahagi ng Basra.
Ayon sa Al Jazeera TV, napatay ang mga sibilyan matapos na tamaan ng mga pinakawalang missile ng US warplanes ang may walong kabahayan noong Sabado ng hapon. (Ulat ng AFP)