^

Bansa

Saddam pinalitan na ng anak

-
Mahina na at di na makapamuno si Iraqi President Saddam Hussein kung kaya pinalitan na siya ng kanyang panganay na anak sa layuning sagipin ang bumabagsak na rehimen.

Ayon sa isang senior officer ng koalisyon, ang nakatatandang anak ni Pres. Hussein na si Qusay ang siyang hahawak ng responsibilidad at kontrol ng diktador dahil sa mahina na ang liderato ng kanyang ama sanhi ng paggupo ng mga Iraqi troops sa sagupaan sa pagitan ng allied forces.

Lahat umano ng impormasyon na natatanggap ng Pentagon ay nagpapakita ng indikasyon na nawawalan na ng pag-asa at pinanghihinaan na ng loob si Saddam na manalo sa giyera dahil sa lakas ng puwersa ng US at Britain.

"Both his sons, Uday and Qusay are deeply involved in trying to save the regime. But increasingly it is Qusay who is calling the shots,"
anang source.

Sinabi naman ng isang British cabinet member na isang impormasyon ang natanggap ng Criminal Investigation Agency na ang mga ‘maniacs’ sa pamilya ni Saddam ay desperado na at nagpupumilit na masagip ang pinal na pagkatalo sa pamamagitan ng pagbabantang babarilin at papatayin ang sinumang kapanalig nila na magtatangkang sumuko sa US allied forces.

"There are maniacs around, including members of Saddam’s own family, who are threatening people with death, and with being shot, if they try to surrender,"
anang cabinet minister.

Kamakalawa ay nagpahiwatig na ang Baath party extremists sa Basrah na naghahanda nang sumuko ang mga ito sa British forces kapag nasimulan na ang pinal na bakbakan sa Baghdad.

Ipinalalagay ng source na ito na ang simula ng wakas ng rehimeng Saddam dahil sa pagpapahiwatig ng mga tagasuporta at pinagkakatiwalaang grupo nito na susuko sa allied forces.

Inihayag ng spokesman ni British Prime Minister Tony Blair na may close contact na rin sila sa mga miyembro ng liderato ng Iraq na nagpapakita na habang umuusad ang araw ay palapit nang palapit ang pagbagsak ng rehimeng Saddam.

Sinabi naman ng source sa Western intelligence na nakaligtas si Saddam at mga anak nito sa isinagawang pag-atake sa hinihinalang pinagtataguang bunker ng mga ito sa katimugang bahagi ng Baghdad sa unang araw na pagpapasabog ng Tomahawk missile ng allied forces.

Muli na namang nagpakita sa isang television si Saddam noong Sabado at nakipagkamay pa sa kanyang mga kababayan sa Baghdad at muling hiniling ang mga suporta ng mga ito.

Ipinakita rin sa state TV na nakikipagpulong si Saddam sa kanyang top military at political advisers kabilang na ang kanyang dalawang anak matapos itong lumantad sa lungsod ng Baghdad at nakihalubilo sa mamamayan doon.

Sa kanyang speech sa TV na binasa ni Iraqi Information Minister Mohammed Saeed Al-Sahaf, sinabi ni Saddam na nananatili ang kanyang paninindigan na hawak pa rin nila ang Baghdad at idedepensa ito hanggang kamatayan.

Sinabi ni Sahaf na muli nilang nabawi ang Saddam International Airport matapos nilang pulbusin ang tropa ng US forces kasama ang pagsasagawa ng suicide attacks.

Ayon naman sa Abu Dhabi satellite TV, ang Iraqi forces ay nakapatay ng may 300 sundalong Kano sa labanan sa paliparan taliwas sa sinasabi ng Central Command na nakubkob na nila ang nasabing airport at nakaposisyon na doon ang may 30 US tanks.

Inihayag ng US officer na isang US tank commander ang nasawi at umaabot sa 1,000 Iraqi soldiers ang napatay sa sagupaan. (Ulat ng AFP at ni Ellen Fernando)

ABU DHABI

AYON

BRITISH PRIME MINISTER TONY BLAIR

CENTRAL COMMAND

CRIMINAL INVESTIGATION AGENCY

ELLEN FERNANDO

FORCES

SADDAM

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with