Bullet proof vest ng PNP mahinang klase
April 6, 2003 | 12:00am
Pinasisiyasat ng isang mambabatas sa kinauukulang komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na depektibo at mahinang klase ang mga protective gear na isinusuot ng mga miyembro ng PNP.
Ang imbestigasyon ay kaugnay sa nangyaring sagupaan ng mga pulis at rebeldeng NPA sa Pandi, Bulacan noong nakalipas na Sabado kung saan binaril ng malapitan ang isang pulis.
Ayon kay CIBAC Partylist Rep. Kim Bernardo-Lokin, lumalabas na hindi naprotektahan ng suot na bullet proof vest ang mga pulis sa naturang sagupaan.
May mga ebidensiya aniya na nagpapakitang ilan sa mga nasawi at nasugatang pulis at sundalo ay tinamaan sa katawan sa kabila ng suot nilang protective armor.
Dapat anyang malaman sa imbestigasyon ng Kongreso sa pagbubukas ng sesyon ang kalidad ng mga nabiling protective gear ng PNP.
Kinondena din ng mambabatas ang ginawang pagbaril ng malapitan ng NPA sa nakalugmok na si PO1 Benjie Hernandez.
Sa isang footage na nakunan, ipinakita si PO1 Hernandez na binaril ng malapitan ng isang rebelde kahit nakahandusay na.
Bukod kay Hernandez, apat pang pulis ang napatay at 18 sa panig ng NPA. Ang engkuwentro ay tumagal ng 13 oras. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest