Ang buhay komunista
April 5, 2003 | 12:00am
Ilan sa mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF ay nahuli sa mga engkwentro, subalit karamihan sa kanila ay boluntaryong sumuko dahil sinasabi ng kanilang konsensiya na dapat na nilang itigil ang pagsuporta sa communist movement. Nabatid nila na ang mga miyembro ay dinadala lamang ng kilusan sa kumunoy at kadiliman.
Ang buhay komunista, ay walang kinikilalang Diyos. Lahat ng karapatan at pribilehiyo ay ipinagkakait sa mga miyembro at ang nagtatamasa lamang ay ang mga matataas na opisyal. Ang ordinaryong miyembro ay hindi pinapayagan na makipag-ugnayan o makipag-usap sa kanilang pamilya. Walang kinikilalang magulang, kapatid, asawa, anak o kamag-anak. Tinuturuan silang mamuhay ng mag-isa. Wala ng blood affinity kapag pumasok ka sa kilusan.
Ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF ay hindi nakakakain sa takdang oras at bihirang kumain ng tatlong beses isang araw. Madalas nasa panganib ang kanilang buhay, palipat-lipat ng pinagtataguan na parang mga daga upang makaiwas sa mga militar. Kapag nagkaroon ng engkwentro, ay kailangang proteksiyunan nila ang kanilang sarili dahil walang pakialam ang kanilang lider kung masugatan man sila o mamatay. Bahala ka sa buhay mo.
Ang commanders ng CPP-NPA-NDF ang siya lamang nakakatanggap ng malaking halaga ng pera mula sa extortion activities ng kilusan. Kapirasong lupa lamang ang ipinagkakaloob sa mga miyembro at P1,000 lamang ang ibinibigay sa mga pamilya ng miyembrong namatay sa engkwentro. Napakababa kung tutuusin upang mabuhay ang isang tao. (Ulat ni Butch M. Quejada)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest