^

Bansa

MIAA official nagbitiw sa tungkulin

-
Nagbitiw sa tungkulin ang isang mataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa umano’y political pressure na nangyayari sa nasabing ahensya.

Sinabi ng source, nagsumite na ng resignation letter si ret. Gen. Mike Hinlo, Asst. General Manager for Security and Emergency Service sa tanggapan ni DOTC Sec. Leandro Mendoza at MIAA Gen. Manager Ed Manda na may petsang Marso 28, 2003.

Si Hinlo na may 14 buwang nanunungkulan sa nasabing posisyon ay nakatakdang palitan umano ni Phil. Army ret. Gen. Angel Atutubo na nagsisilbi rin umanong senior military adviser ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nabatid na dapat ay noon pang Pebrero umano nagbitiw sa tungkulin si Hinlo pero hindi natuloy dahil kinailangan pa umanong ayusin ang gusot at iringan ng Philippine National Police at Airport police na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport.

Wala namang kinalaman, anang source sa pagbibitiw ni Hinlo sa naganap na kapalpakan ng security sa labas ng NAIA nang magsagawa ng surprise visit ang Pangulo kamakailan. (Ulat ni Butch Quejada)

ANGEL ATUTUBO

BUTCH QUEJADA

GENERAL MANAGER

HINLO

LEANDRO MENDOZA

MANAGER ED MANDA

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MIKE HINLO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with