^

Bansa

Walang 'hate campaign' sa Islam

-
Nilinaw ni Defense Secretary Angelo Reyes na walang plano ang militar o ang pamahalaan na maglunsad ng "hate campaign" laban sa Islam.

Ito ang tugon ni Reyes sa pahayag ni Lanao del Sur Rep. Faysah RPM Dumarpa na hindi magtatagumpay ang kampanya laban sa anumang may kinalaman sa Islam bilang relihiyon.

Una rito’y umalma si Dumarpa nang sabihin umano ni Reyes sa isang symposium-sponsored ng Bishops Businessmen’s Conference and Management Association of the Philippines na ilang madrasah, Muslim religious schools sa Mindanao, ang nagtuturo ng extremism sa mga kabataang Muslim.

Ayon sa lady solon, nagiging habit na ng militar at Defense officials na iugnay ang terorismo sa mga eskuwelahan at institusyong nagtataguyod ng pananampalatayang Islam, na mariing itinanggi naman ni Reyes.

Sinabi ni Reyes na ang pagtuturo ng extremism sa mga kabataang Muslim ng ilang mga madrasah sa Mindanao ay base sa intelligence report na nakalap at hindi personal na konklusyon lamang ng Defense department.

Iginiit ng kalihim, wala siyang masamang intensiyon sa kanyang mga ipinahayag bagkus ay in-update lang niya ang mga dumalo sa symposium hinggil sa tunay na mga kaganapan sa Mindanao.

Ang pagkakaroon anya ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao ang prayoridad pa rin ng pamahalaan kaya’t sinisikap nito na matuloy ang exploratory talks sa mga sesesyunistang Moro Islamic Liberation Front. (Ulat ni Danilo Garcia)

BISHOPS BUSINESSMEN

CONFERENCE AND MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DUMARPA

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

REYES

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with