Ayon sa BIRCEA, hindi ang pagtatayo ng NARA bilang kapalit ng BIR ang solusyon sa paglaban sa corruption o para mapataas ang koleksiyon ng buwis ng pamahalaan. Magbibigay daan lamang ito upang lalong malayang makatakas sa pagbabayad ng buwis ang malaking negosyante.
Inakusahan ng BIRCEA na nagsagawa ng kilos-protesta sa Senado, na layunin lamang ng pagtatayo ng NARA ay para sa political patronage at para mabigyan ng puwesto ang mga malalapit sa administrasyon.
Mahigpit na tinutulan ng nasabing organisasyon ang pagbuwag sa BIR at pagtatayo ng NARA kaya umapela ang mga ito sa mga mambabatas na ibasura ang senate bill 2463 na nakahain sa Senado. (Ulat ni Rudy Andal)