Sa naturang ads, ipinakita ng LBC ang "aantuk-antok" na serbisyo ng post office na sinamahan pa ng "tutulug-tulog" na lalaki sa selyo.
"Hindi kayang tumbasan ng anumang salapi ng higanteng nagmamay-ari ng LBC ang dangal at serbisyong aming inilaan sa tungkulin. Para po sa kaalaman ng mga kinauukulan, bukod-tangi ang Philpost na naghahatid ng mga sulat at mahahalagang dokumento kahit sa pinakaliblib at bulubunduking lugar at tawid-dagat na destinasyon, sa pamamagitan ng masisipag na kartero, sa kabila ng katotohanang minsay may nakaambang panganib sa kanilang paghahatid serbisyo. Hindi namin puwedeng palampasin ang bagay na ito at dapat itong idulog sa korte," pahayag ni Noel Dacasin, national chairman ng Postal Employees Union of the Philippines .
Kasunod nito, inatasan kahapon ng DOTC si Malou Olan, presidente ng LBC Express Inc., na agad itigil ang LBC ads.