^

Bansa

Ads ng LBC kinondena ng Philpost

-
Kinondena ng pamunuan ng Philippine Postal Corporation (Philpost) ang anila’y masakit at nakasisirang-puri na TV commercial at print ads ng LBC (Loaded with Best Care) na pang-iinsulto sa pambansang selyo at institusyon ng koreo sa Pilipinas.

Sa naturang ads, ipinakita ng LBC ang "aantuk-antok" na serbisyo ng post office na sinamahan pa ng "tutulug-tulog" na lalaki sa selyo.

"Hindi kayang tumbasan ng anumang salapi ng higanteng nagmamay-ari ng LBC ang dangal at serbisyong aming inilaan sa tungkulin. Para po sa kaalaman ng mga kinauukulan, bukod-tangi ang Philpost na naghahatid ng mga sulat at mahahalagang dokumento kahit sa pinakaliblib at bulubunduking lugar at tawid-dagat na destinasyon, sa pamamagitan ng masisipag na kartero, sa kabila ng katotohanang minsa’y may nakaambang panganib sa kanilang paghahatid serbisyo. Hindi namin puwedeng palampasin ang bagay na ito at dapat itong idulog sa korte," pahayag ni Noel Dacasin, national chairman ng Postal Employees Union of the Philippines .

Kasunod nito, inatasan kahapon ng DOTC si Malou Olan, presidente ng LBC Express Inc., na agad itigil ang LBC ads.

vuukle comment

BEST CARE

EXPRESS INC

KASUNOD

KINONDENA

MALOU OLAN

NOEL DACASIN

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

PHILPOST

PILIPINAS

POSTAL EMPLOYEES UNION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with