Sinabi ni Sen. Oreta, ang planong ito ng BIR at ni Finance Secretary Jose Isidro Camacho na pagpapatupad ng excise tax sa AUVs ay mangangahulugan ng malawakang lay-offs sa hanay ng local automotive industry.
Upang maiwasan ang malawakang sibakan ng mga manggagawa sa nasabing industriya ay dapat lamang ibasura na agad ni Pangulong Arroyo ang BIR revenue regulation 4-2003 o ang excise tax sa AUVs.
Ani Oreta, may ilang araw na lamang upang tuluyang ipatupad ang excise tax na ito sa darating na Marso 31 kaya kailangan na ang agarang aksiyon ng Pangulo batay na rin sa kahilingan ng mga manggagawa mula sa local automotive industry.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas na ang pagpapatupad ng excise tax ay mangangahulugan na ang dating AUVs na nagkakahalaga ng P700,000 ay magiging P1 milyon gayung ang mga 10-seater na AUVs na ito ang ginagamit sa pamamasada. (Ulat ni Rudy Andal)