^

Bansa

Giyera sisiklab na!

-
Nakaantabay ang buong mundo at pigil ang hininga sa maaring maganap ngayong araw na ito dahil ito ang simula ng inaasahang paggiyera ng Amerika sa Iraq matapos ang ultimatum na ibinigay nito, payag man o hindi ang United Nations Security Council.

Kahapon sa huling pananalita ni US President George Bush sa ginanap na emergency summit sa pagitan ng pamahalaang US, Britain at Spain at koalisyon laban sa Iraq, pinaalalahanan niya na huling araw na kahapon ng UN Security Counil upang gumawa ng diplomatic actions para madisarmahan ang Iraq sa mga mapamuksang sandata nito.

Muling binigyan diin ni Bush na ngayong araw ang "moment of truth" na hinihintay ng buong mundo. Tiniyak nito na tuloy ang digmaan kahit walang basbas ng UN.

Ayon naman kay Iraqi President Saddam Hussein, nakahanda ang kanyang tropa at malalakas na sandata sa anumang gagawing pag-atake ng US o anumang bansa sa kanyang teritoryo.

Buong tapang na inihayag ni Hussein na nagsagawa na ng war footing ang kanyang libu-libong sundalo sa Baghdad kamakalawa hanggang kahapon upang humanda sa anumang ground at air attacks ng US troops.

Una umanong pasasabugin ng US ang Baghdad airport sa pamamagitan ng air assault, isang minuto pagkalipas ng takdang ultimatum.

Dahil sa matinding krisis sa Gitnang Silangan, nagpasya na rin ang may 60,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait na lumikas sa ligtas na lugar partikular sa Jordan.

Ang Kuwait na malapit sa Iraq ang tinatayang kritikal at mas maapektuhan sa pag-atake ng US troops at sa pagganti ng Iraq.

Maging ang mga employer ng mga OFW ay nagkusa nang magbigay ng libreng ticket makaalis lamang sa Kuwait ang mga ito dahil unang nagpahayag ang mga manggagawa na hindi sila aalis at iiwan ang kanilang trabaho doon kahit sumiklab pa ang giyera.
Evacuation ng Pinoy larga na
Aalis ngayon patungong Kuwait si Middle East Preparedness Team chief Roy Cimatu para masaklolohan ang may 1.5 Pilipino na posibleng maipit sa giyera.

Ayon kay Cimatu, tutungo ang kanyang grupo sa Kuwait at Riyadh na sinasabing pinaka-kritikal na lugar sa digmaan upang personal na pangasiwaan ang posibleng mass evacuation sa mga Pilipinong manggagawa.

Gagawan din ng paraan na mabigyan ng proteksiyon maging ang apat na Pinoy na nakakulong sa Kuwait dahil sa iba’t ibang kaso. Sa Iraq naman, 12 Pilipino na lang ang natitira.

Kahapon ay sunud-sunod ang pagpupulong sa Malacañang bilang paghahanda sa napipintong botohan sa UN Security Council ngayon.

Nagpatawag si Pangulong Arroyo ng National Security Council meeting bukas ng alas-10 ng umaga dahil inaasahang magkakaroon na ng desisyon ang UN sa mga oras na iyon.

Pag-uusapan sa miting ang magiging posisyon ng Pilipinas kung susuporta ba sa anumang unilateral attacks na ilulunsad ng US, kung susunod ba sa desisyon ng UN o magiging neutral lang.

Naglaan na ang pamahalaan ng P300 milyong pondo para sa contingency plan ng gobyerno.

Inamin naman ni Cimatu na milagro at dasal na lamang ang pag-asa ng sambayanang Pilipino at buong mundo upang hindi matuloy ang pag-atake ng US sa Iraq. (Ulat nina Ellen Fernando at Ely Saludar)

ANG KUWAIT

AYON

CIMATU

ELLEN FERNANDO

ELY SALUDAR

GITNANG SILANGAN

IRAQ

IRAQI PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with