^

Bansa

Pagbitay sa OFW sa Malaysia napigil

-
Napigilan ang takdang pagbitay ngayong araw na ito sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Malaysia matapos ang isinasagawang diplomatic actions ng pamahalaan ng Pilipinas at magpasya ang Malaysian government na bigyan pa ito ng 30-days reprieve o pagpapaliban ng execution.

Nabatid kay Foreign Affairs Secretary Blas Ople na may ipinalabas na kautusan ang Malaysia na ipagpaliban ang execution sa pamamagitan ng pagbitin (death by hanging) sa OFW na si Andy Baginda, 30, tubong Maguindanao.

Ang 30-day reprieve ay ibinigay matapos makipag-usap sina Special Envoy for OFWs Sec. Roberto Romulo na kasalukuyang nasa Malaysia at Consul General Luis Cruz ng RP embassy sa Kuala Lumpur kay Malaysian acting Prime Minister Abdullah Ahmad Badawi hinggil sa kaso ni Baginda.

Tanging ang pagpapalabas ng executive clemency mula sa kahilingan ni Pangulong Arroyo sa Malaysian PM ang pag-asa ni Baginda na makaligtas sa bitay. Kapag walang executive pardon, tuloy ang bitay kay Baginda sa Abril 12 matapos ang 30-day reprieve.

Ayon kay Atty. Rainier Mamangun, DFA Office of the Migrant Workers Affairs, si Baginda na isang karpintero sa Malaysia ay hinatulan ng kamatayan ng Sabah high court noong 1995 sa kasong drug trafficking at illegal possession of firearms and ammunitions.

Umapela ang head lawyer ni Baginda sa Malaysian Court of Appeals noong 1997 at noong 1999 ay hiniling ng embahada ng Pilipinas sa pamahalaang Malaysia na babaan ang sentensiya ni Baginda.

Nang ibasura ng Malaysian CA ang apela sa kaso ay muling isinagawa ang periodic review sa kaso ng huli.

Nabatid kay Mamangun na isinasagawa ang periodic review sa lahat ng mga bilanggo sa Malaysia kada limang taon upang pag-aralan kung dapat na babaan ang sentensiya sa mga ito o mabigyan ng pardon. Hindi rin nakakuha ng pag-asa si Baginda sa pag-aaral na isinagawa.

Sa ngayon, patuloy ang isinagawang legal at diplomatic actions ng pamahalaan upang mailigtas sa bitay ang naturang karpinterong Pilipino. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANDY BAGINDA

BAGINDA

CONSUL GENERAL LUIS CRUZ

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY BLAS OPLE

KUALA LUMPUR

MALAYSIAN COURT OF APPEALS

NABATID

OFFICE OF THE MIGRANT WORKERS AFFAIRS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with