Secret marshals pag-aaksaya lang ng pondo

Pag-aaksaya lamang ng pondo ng pamahalaan ang plano ng AFP na paglalagay ng secret marshals sa loob ng pampasaherong bus sa Mindanao.

Ito ang sinabi kahapon ni Leyte Rep. Ted Failon matapos ihayag ng AFP ang plano nitong paglalagay ng secret marshals dahil sa naganap na hostage-taking at pagnanakaw sa mga pasahero ng isang Weena bus na may biyaheng Davao-Cotabato kamakalawa na ikinamatay ng isang sundalo at isang sibilyan.

Nagbabala ang mambabatas na lalong manganganib ang buhay ng mga inosenteng sibilyan kung itutuloy ng AFP ang balak na ito.

Hindi anya magtatagumpay ang paglalagay ng secret agents kahit armasan ito ng mula ulo hanggang paa laban sa ilang dosena at armadong miyembro ng MILF. (Ulat ni Malou Escudero)

Show comments