MILF bumanat: 30 sundalo patay
March 12, 2003 | 12:00am
COTABATO CITY Umaabot na sa 30 miyembro ng militar ang iniulat na nasawi at mahigit sa 20 ang sugatan samantalang di pa nababatid ang bilang ng nasawi o nasugatan sa panig ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kasalukuyang bakbakan sa North Cotabato.
Kinilala ang ilan sa mga nasawi sa kanilang mga apelyido na sina T/Sgt. Oliver at Britania at ilan sa mga sugatan ay sina Pfc. Aguna, Cpl. Espanola at Sgt. Saya.
Habang isinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nagpapalitan ng putok mula sa matataas na kalibre ng armas ang militar at MILF sa pag-atake ng puwersa sa pamahalaan sa Camp Rajamuda, ang "stronghold camp" ng MILF sa border ng North Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat.
Ang Camp Rajamuda ay siyang pinakamalaking kampo ng MILF na sumasakop sa bulubundukin at masukal na bahagi ng Sultan Kudarat, Maguindanao, Cotabato City at North Cotabato.
Gamit ng militar sa pag-atake ang mga howitzer at mga armored tank sa pag-atake sa MILF.
Libu-libong residente na ang nagsisilikas sa kani-kanilang mga barangay dahilan upang magkaroon ng shortage sa mga evacuation centers.
Kahapon ay muling nagbanta ang pamunuan ng MILF ng mas malawakan pang opensiba laban sa pamahalaan bilang kasagutan sa inilabas na "warning" ni Pangulong Arroyo na ituturing silang terorista kapag hindi huminto ang mga ito sa kanilang panggugulo sa Mindanao.
Ayon kay MILF spokesman Eid Kabalu, kasalukuyan na umanong nakakalat sa ibat ibang parte ng Mindanao ang lahat ng kanilang mga tauhan na pawang mga armado ng sopistikado at malalakas na armas kung saan ay handang umatake anumang oras ang mga ito laban sa puwersa ng pamahalaan na umanoy tumutugis sa kanila.
Sa Zamboanga City, kasalukuyan nang nagsasagawa ang militar ng paglusob sa mga hideout at safehouses na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga terorista sa Mindanao kung saan dito rin umano ina-assemble ng mga ito ang ibat ibang klase ng mga eksplosibo at malalakas na bomba na ginagamit nila sa kanilang "terroristic activities."(Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest