Multiple murder vs 4 MILF leaders isinampa
March 8, 2003 | 12:00am
Pormal nang sinampahan ng kasong multiple murder at multiple serious physical injuries sa Davao City Prosecutors Office ang apat na matataas na leader ng Moro Islamic Liberation Front na sina MILF Chairman Hashim Salamat, vice-chairman for military affairs Alhadz Murad, vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar at MILF spokesman Eid Kabalu dahil sa pagpapasabog sa Davao airport kamakailan.
Sila ay kinasuhan base sa rekomendasyon kay Pangulong Arroyo ni Mindanao Crisis Management committee chairman at Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos na kumpirmahin nito na MILF nga ang nasa likod ng naturang pagpapasabog dahil sa kaugnayan sa kanila ng nasawing suicide bomber na si Natazer Sudang, alyas Taksil.
Sinabi ni Duterte na bago pa man maganap ang pambobomba, nakatanggap na siya ng impormasyon sa naturang pagsalakay ng MILF. Tinangka pa umano niyang kontakin si Salamat upang kumpirmahin ang ulat ngunit pinagtaguan umano siya nang sabihing nasa Malaysia ito.
Kinumpirma naman ni AFP chief of staff Gen. Dionisio Santiago na patuloy ang ginagawang pagsasanay ngayon ng MILF sa kanilang miyembro upang maging bomb expert sa mga darating na araw.
Sa isyu ng mga panibagong bihag na hawak ng MILF ngayon, sinabi ni Santiago na nagtitiwala sila sa pangakong ibinigay ni Kabalu na iti-turnover nila ang pitong sundalong kanilang nabihag kamakailan sa ginawang pagsalakay sa Lanao del Norte sa International Red Cross. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest