Nabatid na hindi na makapag-angkat ng gamot mula sa ibang bansa ang Iraq simula ng maghigpit ang United Nation at kahit mga gamit sa ospital ay maraming ipinagbawal sa pangambang gamitin sa paggawa ng armas ang mga kagamitang ito. Kahit plastic urine bag na isang taon nang ginagamit ng mga pasyente ay hindi pa napapalitan.
Ayon sa mga doktor, wala silang pakialam sa pulitika. Ang mga pasyente ang nahihirapan at hindi gobyerno. Ang alam nila walang gamot para sa isang bansang sobra ang dami ng mga siyentipiko at doktor.