^

Bansa

Moro state ilalarga na

-
Nagdeklara na ang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Hashism Salamat na kanilang itutuloy ang pagtatayo ng sariling gobyerno sa Mindanao dahil hindi na nila maatim na mamuhay ang Bangsamoro people sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Salamat, chairman ng MILF’s central committee, ang walang puknat na mga pananalakay ng tropa ng gobyerno sa kanilang balwarte sa North Cotabato ang nag-udyok sa MILF para isulong na ang planong pagtatatag ng independent Islamic state.

Kinondena niya ang walang tigil na pag-atake sa mga rebel positions dahil ito anya ay isang paglabag sa ceasefire at nagaganap na peace talks sa pagitan ng Malacañang at MILF.

Sinabi ni Salamat na ang Arroyo government ay walang ipinagkaiba sa pinalitan nitong Estrada administration na "malupit" ang anti-Muslim policy sa Bangsamoro people.

Inakusahan din ni Salamat ang gobyernong Arroyo na hindi iginagalang ang kanilang karapatang pantao, kultura at relihiyon.

Ang mga pagsalakay sa Camp Rajamuda at Buliok Islamic Center noong Muslim holiday ay pag-ulit lamang sa ginawang paglusob ng mga sundalo noong panahon ni Estrada sa Camps Bushra at Abubakar at pagpapakita kung gaano nilapastangan ng mga sundalo ang banal na araw na iyon.

Isa umanong insulto na matapos bumagsak at makubkob ng tropa ng sundalo ang naturang mga kampo ay nagpiyesta sa lechon ang mga ito at nag-inuman.

Ang MILF ay isang splinter group ng Moro National Liberation Front (MNLF). Sa kabila nito, ang MILF ang pinakamalaking rebel movement ngayon sa bansa.

Gayunman, sa kabila ng pakikipaglaban para sa isang independent Islamic country sa Mindanao, sinabi ni Salamat na ang pamunuan ng MILF at rank-and-file fighters nito ay nananatiling committed sa paghahanap ng isang negotiated political settlement sa Mindanao conflict. (Ulat ni Benjie Villa)

BANGSAMORO

BENJIE VILLA

BULIOK ISLAMIC CENTER

CAMP RAJAMUDA

CAMPS BUSHRA

HASHISM SALAMAT

MILF

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with