Balikatan di itutuloy kapag nakialam sa giyera sa Mindanao
February 27, 2003 | 12:00am
Pinayuhan ni Defense Secretary Angelo Reyes ang Estados Unidos na huwag makialam sa nagaganap na digmaan sa Mindanao kung gusto ng mga ito na matuloy ang isasagawang ikalawang yugto ng Balikatan 03-1 exercises sa Sulu.
Ito ang inihayag ni Reyes sa kanyang pakikipagpulong kay US Admiral Thomas Fargo sa Honolulu, Hawaii kung saan inilatag nito ang tatlong kundisyon upang matuloy ang joint military exercises sa bansa.
Tinukoy nito ang hindi pagsali sa combat operation ng mga sundalong Kano, magsisilbi lamang silang support group sa AFP sa mga operasyon at ikatlo ay hindi lalabag sa mga batas ng Pilipinas.
Ayon sa kalihim, walang dapat ipangamba ang sambayanang Pilipino lalo na ang mga kumokontra sa joint exercise sa Sulu dahil hindi papayag ang kasalukuyang administrasyon na hayaan ang tropang Amerikano na lumaban para sa ating magigiting na sundalo. "We dont envision US forces being in charge, calling the shots," ani Reyes na agad nagtungo sa Washington upang makipagkita kay US Defense Secretary Donald Rumsfeld upang pag-usapan ang pagtapos nila sa terms of reference (TOR) ng Balikatan 03-1.
Hindi pa umano matalakay ang deployment ng mga sundalo sa Balikatan hanggat hindi nila natitiyak ang kabuuang bilang at lawak ng joint exercises na muling isasagawa sa Mindanao.
Inamin naman ni Reyes na nahihirapan silang tuluyang supilin ang lahat ng kalaban ng pamahalaan sa Mindanao dahil sa kalumaan ng kanilang mga armas at kagamitan kaya nararapat na maisagawa muli ang Balikatan para makapagpalitan ng istratehiya at kagamitan base na rin sa Mutual Logistics Support Agreement. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest