^

Bansa

2 Pinoy seamen na nawawala natagpuang patay

-
Natagpuang patay ng search and rescue team ng Japanese Maritime Defense Agency ang dalawang tripulanteng Pilipino na kabilang sa apat na nawawalang sakay ng lumubog na cargo vessel matapos ang isang araw na paghahanap sa karagatan ng Kita Daito Jima sa Okinawa, Japan.

Magkasunod na nakita ng mga frogmen sina James Sampayan at Rogelio Onofre. Kabilang sila sa 16 sakay ng M/V Pendola, isang Panamanian-registered vessel na may kargang 6,000 cubic meters na lumber mula sa Solomon islands patungong Kumamoto Port sa Japan’s Kumamoto Prefecture.

May 12 tripulante ang unang nailigtas ng mga search and rescue team ng M/V Cape Daisy na unang nagresponde matapos na lumubog ang naturang barko na may bigat na 4,252 tonelada.

Base sa report, hindi nakayanan ng barko ang malakas na hagupit at hampas ng alon bunga ng masamang lagay ng panahon.

Bukod sa dalawang Pilipino, hindi pa rin nakikita ang nawawalang kapitan at chief engineer ng barko na pawang Koreano. (Ulat ni Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

JAMES SAMPAYAN

JAPANESE MARITIME DEFENSE AGENCY

KITA DAITO JIMA

KUMAMOTO PORT

KUMAMOTO PREFECTURE

PILIPINO

ROGELIO ONOFRE

V CAPE DAISY

V PENDOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with