Nakatakdang pagpaliwanagin ng prosekusyon sa Sandiganbayan si LBP president Margarito Teves kung saan napunta ang naturang pondo na nakalabas sa bangko sa kabila ng freeze order.
Sinabi ng prosekusyon na nabigo ang LBP na sumunod sa utos ng Sandiganbayan Sheriffs Office na i-freeze ang P26 milyong tseke. Lumilitaw na "good" ang tsekeng lumabas sa naturang account at nagamit ito.
Ayon sa sulat ni Rosemarie Osoteo, assistant vice president ng Land Bank, ibinalik na nila ang tsekeng mula sa Velarde account sa may-ari nito.
Wala na umano silang minamantinang bank account ng mga Estrada o sinumang akusado sa plunder. (Ulat ni Malou Escudero)