^

Bansa

'Presidentiables at vice magbitiw kapag tumakbo'

-
Nais ni Senator Robert Barbers na magbitiw sa kanilang posisyon ang sinumang senador na nagnanais tumakbo bilang presidente o bise-presidente sa darating na eleksiyon.

Sa isinumiteng Senate bill 2495, hiniling ni Sen. Barbers na magbitiw sa kanilang posisyon ang sinumang senador sa sandaling isumite nito ang kanyang certificate of candidacy para tumakbong presidente o bise-presidente.

Sa kasalukuyan ay puwedeng hindi magbitiw ang sinumang senador na nagnanais tumakbo ng mas mataas na posisyon at makabalik sa kanyang posisyon kapag natalo.

Aniya, ang ibang nasa mid-term na mga senador na tumakbo bilang presidente o bise-presidente subalit hindi nagwagi ay puwedeng bumalik bilang senador upang tapusin ang kanyang termino sa ilalim ng umiiral na Omnibus Election Code.

Idinagdag pa ni Barbers, dahil dito ay nababakante ang kanyang posisyon sa Senado kung saan ay inihalal siya ng taumbayan subalit napabayaan dahil sa pagtakbo sa mas mataas na puwesto.

Kabilang sa maaapektuhan ng panukalang ito ni Barbers ay sina Senators Panfilo Lacson, Loren Legarda, Gringo Honasan, Aquilino Pimentel Jr., Juan Flavier at Senate President Franklin Drilon na pawang mga presidentiables at vice-presidentiables sa darating na 2004 elections. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AQUILINO PIMENTEL JR.

DRILON

GRINGO HONASAN

JUAN FLAVIER

LOREN LEGARDA

OMNIBUS ELECTION CODE

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT BARBERS

SENATORS PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with