Deadline sa AMLA hanggang Marso 15
February 18, 2003 | 12:00am
Pinagkalooban ng Financial Action Task Force (FATF) ang Pilipinas nang hanggang Marso 15 upang makasunod sa itinakdang standards kaugnay sa ginawang amyenda sa Anti-Money Laundering Law (AMLA) at kung hindi ay papatawan ito ng parusa.
Ayaw nang palalain pa ng Malacañang ang humahabang isyu sa AMLA kaya isang pagpupulong ng joint Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang isasagawa para pag-usapan ito.
Sinabi ni Finance Secretary Isidro Camacho na ang isang buwang palugit na ipinagkaloob ng FATF ay magkakaloob sa Kongreso ng sapat na panahon para makabalangkas ng mga amyendang hinihingi ng FATF.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na kung papatawan ang bansa ng parusa ng FATF bubusisiing mabuti ang lahat na transaksiyon na pumapasok sa Pilipinas kabilang ang mga bangko na pinadadalhan ng 7 milyong overseas contract workers ng kanilang dollar remittances sa kanilang pamilya. (Ulat nina Lilia Tolentino/Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended