Nagkasundo ang senate at house panel na itakda sa P500,000 ang threshold mula sa kasalukuyang P4 milyon pero hindi pumayag ang mga mambabatas na mabuksan ang alin mang account sa bangko ng walang court order maliban na lamang kung ang salapi ay pinaghihinalaang nagmula sa droga, kidnapping at hijacking.
Ayon naman kay Sen. Joker Arroyo, ang inamyendahang AMLA ay US version dahil dikta lamang ito ng FATF dahil sa pananakot na bibigyan tayo ng sanctions kapag hindi tayo sumunod sa itinakda nilang standards. (Ulat nina Rudy Andal/Malou Escudero)