Anti-Money Laundering Law inaprub
February 14, 2003 | 12:00am
Sa pag-asang mahabol ang deadline ng Financial Action Task Force (FATF), niratipikahan kahapon ng Senado at Kamara ang bicameral report sa ginawang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Law upang tuluyang maalis sa listahan ng Non-Cooperative Countries and Territories (NNCTs) ang Pilipinas.
Nagkasundo ang senate at house panel na itakda sa P500,000 ang threshold mula sa kasalukuyang P4 milyon pero hindi pumayag ang mga mambabatas na mabuksan ang alin mang account sa bangko ng walang court order maliban na lamang kung ang salapi ay pinaghihinalaang nagmula sa droga, kidnapping at hijacking.
Ayon naman kay Sen. Joker Arroyo, ang inamyendahang AMLA ay US version dahil dikta lamang ito ng FATF dahil sa pananakot na bibigyan tayo ng sanctions kapag hindi tayo sumunod sa itinakda nilang standards. (Ulat nina Rudy Andal/Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am