Bagong cabinet members hinirang ni GMA
February 11, 2003 | 12:00am
Itinalaga kahapon ni Pangulong Arroyo ang mga bagong miyembro ng kanyang Gabinete na sina dating Tarlac Congressman Jose "Peping" Cojuangco bilang Presidential Adviser on Food Security and Employment Generation at dating Environment and Natural Resources Secretary Heherson Alvarez bilang Presidential Adviser on Overseas Filipino Communities.
Sina Cojuangco at Alvarez ay kapwa nanumpa na sa tungkulin sa Pangulo.
Ang iba pang miyembro ng Gabinete na nanumpa sa tungkulin ay sina Justice Secretary Simeon Datumanong, Sec. Rigoberto Tiglao bilang Presidential Chief of Statt at General Dionisio Santiago bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Phils.
Kabilang din sina Joseph Bautista bilang Governor ng Davao del Sur; Richard Ferrer, Deputy Executive Sec. at Benjamir de Guzman bilang Usec ng Office of the Executive Sec.; Nor Adiong, Deputy Executive Director ng Office of Muslim Affairs; Jaime Asunsion bilang Sr. Dep. Administrator ng National Food Authority at Rosario Uriarte bilang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ipinalabas din ng Pangulo ang paghirang sa dalawang bagong Undersecretary ni Press Secretary Hernani Braganza na sina Press Usec. for Broadcast Milton Alingod at Usec for Print Media Heraclio "Rocky" Nazareo.
Si Alingod ay naging Director ng Radio TV Malacañang at president for news and public affairs ng GMA-7 habang si Nazareno ay reporter sa Daily Inquirer.
Nabatid na ang pagtatalaga sa dalawang bagong Press Usec. sa kanilang bagong responsibilidad sa Office of the Press Secretary ang siyang inaasahang makakapagpahusay sa sistematikong pamamahagi ng impormasyon sa pamahalaan.
Si Press Usec Roberto "Bobby" Capco ay sinasabing maaaring italaga bilang Deputy Spokesman for Operation. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended