^

Bansa

Israel may 'weapons of mass detructions'

-
Maliban sa Iraq ay pinagdududahan na rin ng United Nations na may nakatago ring "weapons of mass destructions" ang bansang Israel.

Ito ang inihayag kahapon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Victoriano Lecaros sa ginanap na regular na forum kahapon sa Citio Fernandina sa Greenhills, San Juan.

Nabatid na kabilang sa mga bansang may "weapons of mass destructions" ay ang Russia, France, Britain, China, India at Pakistan pero ito’y lingid sa kaalaman ng mga opisyal ng United Nations (UN).

Ikinatwiran naman ni Lecaros na hindi umano porke may "weapons of mass destructions" ang nasabing mga bansa ay dapat nang aksiyunan ang mga ito ng UN di tulad ng Iraq na nasa kasaysayan na ang paglulunsad ng mga pag-atake.

Hindi naman umano kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pinagdududahang nagtatago ng mga mapanganib na armas pandigma. (Ulat ni Joy Cantos)

CITIO FERNANDINA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GREENHILLS

IKINATWIRAN

JOY CANTOS

SAN JUAN

UNITED NATIONS

VICTORIANO LECAROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with