Unang PNP chief ilalagak na sa Libingan ng mga Bayani
January 31, 2003 | 12:00am
Ilalagak na rin sa Libingan ng mga Bayani ang kauna-unahang Pilipino na hepe ng Philippine National Police na si Gen. Rafael Crame.
Sa pagdiriwang ng ika-12 taong anibersaryo ng PNP kahapon, inihayag ni Pangulong Arroyo na naglaan na ng isang burial ground sa Libingan sa Fort Bonifacio, Makati City para sa mga labi ni General Crame.
Si Crame ang kauna-unahang Pilipino na hepe ng pulisya matapos ang pamumuno ng mga Amerikanong pulis. Sa kanya isinunod ang pangalan ng punong himpilan ng PNP na kilala ngayong Camp Crame.
Samantala sa naturang pagdiriwang ay nakatanggap naman si PNP Chief for Operations, C/Supt. Vidal Querol ng pinakamataas na parangal na Presidential Legion of Honor Award. Pinapurihan siya ng Pangulo dahil sa pangunguna sa matagumpay na dispersal ng mga demonstrador sa madugong May 1, 2001 Malacañang siege.
Idineklara namang Regional Office of the Year ang Police Regional Office 3, habang kinilala ang Cagayan Provincial Police Office sa ilalim ni Supt. Rodrigo de Gracia bilang Provincial Office of the Year.
Ang Cabanatuan City police station ang City Police Station of the Year at City Police Office naman ang Davao City police office. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest