Nagpahayag ng pangamba si Barbers at mga mambabatas na hindi tuluyang nauunawaan ng mamamayan ang Chacha dahil malawakan ang propaganda ng mga anti-Chacha advocates sa media para isulong ang public distrust.
Sinabi ni Barbers na maisasagawa ito kaagad para samantalahin ang pagkakataon na hindi na tatakbo sa panguluhan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa taong 2004 at nagkasundo na rin ang mga lider pulitiko at economic planners na susugan ang Saligang Batas.
Inihalimbawa ng Kongresista na ang pagtatag ng isang unicameral legislature ay mabilis na maisasagawa ng isang Constituent Assembly na milyong piso umano ang matitipid ng pamahalaan.
Hinamon ni Barbers ang mga pulitiko, lalo na ang mga tinatawag na Trapo na isipin ang kinabukasan ng mga kabataan, ang susunod na henerasyon kasabay ng paghikayat sa mga lider pulitiko, academic, pribadong sektor at negosyo na gawin ang katungkulan nila na ma-educate ang publiko sa isyu. (Ulat ni Malou Escudero)